Ika-6 ng Pebrero 2021
(Bahay ng Alumni, UP Diliman)
Magandang hapon sa inyong lahat.
Mahirap tanggapin noon na wala na si Popoy. Ngayon, pagkaraan ng dalawang dekada, buhay na buhay ang mga adhikain at prinsipyong kanyang ipinaglaban; at ang mga hamong hinarap niya noon ay siya pa ring hinaharap natin ngayon.
Sa hanay ng mga manggagawa, lumalala ang sitwasyon dahil sa pandemya, sa pagkitid na demokratikong espasyo dala ng Anti-Terrorism Act of 2020, E.O. 70, red tagging, kasama na ang pang-hi-hi-masok ng mga pulis at militar sa mga unibersidad.
Kung buhay si Ka Popoy paano niya haharapin ang mga nabanggit na usapin – na mapangapi at naglilimita freedoms of speech and the press freedom to organize, freedom to join organizations at maniwala at ipahayag ang paniniwala (freedom of thought, conscience and expression)?
Noong estudyante pa siya sa UP Diliman, aktibo siyang lumahok sa “Diliman Commune” noong Pebrero 1971. Ito ‘yung mahigit isang linggong pagbarikada ng mga estudyante, na suportado ng buong komunidad ng UP Diliman, sa mga kalsada at pasukan at labasan ng kampus. Ito ay upang protektahan ang kampus laban sa pag-pasok at pag-himasok ng mga pulis at militar sa campus.
Naniniwala ang mga UP students na bilang mga iskolar ng bayan, tungkulin nilang mag-lingkod sa bayan at suportahan ang mga sektor na mahirap at naaapi.
Kung kapiling natin si Popoy ngayon ay mariin niyang tututulan ang unilateral abrogation ng 1989 UP-DND accord. Ipapaliwanag niya na ang kasunduan ay bunga ng mga protesta at sakripisyo ng mga estudyante na nag-ugat sa Diliman Commune.
Liliwanagin niya ang importansya ng academic freedom, ang kalayaan ng unibersidad laban sa paghihimasok na labag sa kalayaan at dangal ng academic institution.
Kasama na sa staff ng Philippine Collegian, ang dyaryo ng mga estudyante sa UP, si Popoy nung first year, first sem pa lamang niya. Bilang reporter ang kinover niya ang mga welga sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela. Maaga siyang namulat sa karahasan sa mga mang-ga-gawang ipinag-la-laban ang kanilang mga karapatan.
Noon pa man ay hamon na ang red tagging hindi lamang sa mga militanteng aktibista kundi maging sa mga lider manggagawa na ngayon ay inaakusahan ng terorismo.
Seryosong banta ito sa mga karapatan ng mga manggagawa. Sa ilalim ng Anti-Terrorism Act maaaring i-designate ng Anti-Terrorism Council ang isang indibidwal, halimbawa pangulo ng isang unyon, ang buong unyon, o pederasyon o labor center na terorista. Madalas naguumpisa ito sa red tagging o akusasyon na kaliwa o komunista at rebelde.
Sa harap ng red tagging sa mga kritiko ng administrayon ano kaya ang magiging reaksyon ni Popoy?
Aaminin niya na siya ay naniniwala sa Marxism at Leninism. Hindi kailanman tinanggihan ni Popoy na siya’y sosyalista at ito’y kanyang pinag-ma-malaki. Pinagmamalaki niya rin na siya’y isang principled revolutionary na naniniwala sa iba’t-ibang paraan tungo sa malawakang pagbabago ng sistemang pang-ekonomiya at pampulitika. Ka-klaruhin ni Popoy na ang paniwala sa sosyalismo o komunismo ay bahagi ng freedom of thought or conscience.
Bagamat siya’y sosyalista, siya ay lumahok sa parlamentaryong pakikibaka. Sa unang party-list election pa lamang noong 1998, si Ka Popoy ang na-muno sa kampanya ng Sanlakas para magkaroon ng kinatawan sa House of Representatives. At ang Sanlakas ay nanalo, katulad ng Partidong Manggagawa (PM) sa sumunod na eleksyon.
Alam niyang mag-kaiba ang landas na aming pinili. Iginalang niya ang aking desisyon na pumaloob sa kina-ugaliang sistema ng pulitika, bagamat tiniyak ko naman sa kanya na committed at consistent ako sa isang progressive legislative agenda at mananatiling labor advocate sa loob at labas ng Kongreso.
Nauuna sa panahon ang pagiisip at pananaw ni Popoy. Ang kanyang pagkapro-active ay marka ng isang lider na dapat gayahin. Marami siyang pinamana sa inyo na makakatulong sa pagpapalakas ng kilusan tungo sa pagbabago ng tao, ng sistema, at ng lipunan. Anumang legacy ang iniwan niya, inyong isapuso at isabuhay.
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat.