Rep. Edcel C. Lagman, First District of Albay
Ika-4 ng Disyembre 2023
Isang maalab na pagbati sa ika-anim na kongreso ng Partido ng Manggagawa (PM).
Cost-of-living crisis. Climate emergency. Raging wars. Persistent authoritarianism. Unabated assaults on human rights defenders.
Do we accurately read the signs of the times? How do these huge challenges impact labor? What are the root causes of these threats to humanity and affronts on human dignity?
Tama at sapat ba ang tugon ng PM sa mga naturang hamon ng panahon? Mahalaga ang desisyon ng liderato ng partido na kailangan ang panimulang hakbang ay isang masusi, malawak at malalim na pag-unawa sa umiiral na sitwasyon, maging local, national, regional or international.
Bagamat magkakaugnay ang mga nasabing usapin sa iba’t-ibang level at area na ating kinikilusan, I would like to focus on an issue that directly challenges labor – the cost-of-living crisis.
Ang cost-of-living ay ang halaga ng pera na kailangan ng isang pamilya na pambayad sa pagkain, tirahan, damit, mga kagamitan, pangangalaga ng kalusugan at iba pang pangangailangan that will sustain the family’s standard of living.
Depende sa sukatan ng pamumuhay, ang cost-of-living ay tinatayang mula sa P12,000.00 kada buwan para sa isang mahirap na pamilyang may limang miyembro hanggang P120,000.00 kada buwan para sa isang pamilyang komportable ang pamumuhay.
Malaki ang epekto sa cost-of-living ng pagbabago sa mga presyo ng goods and services. Mas mataas ang presyo, mas mataas ang cost-of-living.
Ang pagbabago ng presyo ng mga bilihin ay sinusukat ng inflation rate. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang average monthly inflation rate ngayong taon ay 6.4%, bagamat sa buwan ng Oktubre, 4.9% lang ang inflation rate. Ngunit ang inflation rate para sa pagkain lang ay 7.1%. Mas mataas ang food inflation rate para sa bottom 30% income households – ‘yung mga mahihirap - 8.0%.
Bilang agarang solusyon or in the short run, the government aims to tame inflation by demand management through a tighter monetary policy. ‘Yun nga lang, maaaring patamlayin nito ang investment at mauuwi sa unemployment o kawalan ng trabaho. Ang pangmatagalang solusyon na dapat gawin ng gubyerno ay pataasin ang produksyon na siyang magpapababa ng mga presyo.
Tingnan naman natin ang hamon ng usapin ng trabaho o employment kaugnay ng climate emergency o agarang pagtugon sa krisis sa klima.
Ayon sa PSA, bumaba ang bilang ng mga walang trabaho mulang 2.5 million noong Setyembre 2022 sa 2.26 million noong Setyembre 2023. Just the same, 2.26 million is still a large number, considering na marami pa rin ang underemployed o naghahanap ng mas mabuting trabaho.
Sa usapin ng employment at climate emergency, gusto kong ibahagi sa inyo ang mungkahi ni Olivier De Schutter, United Nations Special Rapporteur on extreme poverty and human rights, sa kanyang report sa 53rd session ng UN Human Rights Council (19 June – 14 July 2023).
Produkto ng malawak at malalim na pananaliksik o research sa karanasan ng iba’t-ibang bansa ang report at proposal ni De Schutter.
Isang konkretong paglalarawan ng proposal ni De Schutter:
Kung ang gubyerno ay magpapatayo, halimbawa ng tulay, mag-eempleyo ito ng mga construction worker. Mula sa sweldo nila ang kanilang pamilya ay bibili ng goods and services. Ang mga bilihin at serbisyong ito ay kailangan ding i-produce ng mga manggagawa na magkakaroon din ng suweldo na magagamit ng kanilang pamilya para sa pang-araw-araw na gastusin. This will in turn stimulate production of the goods and services, requiring employment, generating incomes, permitting consumption in other producing sectors.
Ito ‘yung tinatawag na multiplier process.
In his report, De Schutter proposes that governments be obligated to create jobs primarily because the right to work is a human right. Working for the sustenance of oneself and one’s dependents upholds the worker’s dignity which may be eroded by dole-outs or ayuda.
Going further, De Schutter posits that as the government helps solve the unemployment problem, it addresses the climate emergency by directing the workers towards greening projects that build capacities to adapt to climate change, reduce waste and material consumption, and not just protect but promote greater biodiversity. Biodiversity supports food and nutrition security, energy, fresh water and air, development of medicines and other pharmaceuticals required by optimum health care.
Green economy is an alternative to the prevailing economic model that degrades the environment and exacerbates social inequalities and poor health.
As the government employs more workers, they are afforded the experience and training they need in higher paying jobs in the future. As they earn, they take steps towards poverty reduction.
The job guarantee program of government requires safeguards to ensure among others that it will not be contaminated by corruption.
Another concern is the source of funding for the program. In this regard, it is well to consider that as of October this year, total debt service – ‘yung pambayad ng gubyerno sa kanyang utang – amounted to P1.478 trillion or an average of P147.81 billion monthly. If this average is maintained up to December, total debt service will amount to P1.774 trillion.
Kung kaya ng gubyernong maglaan ng ganito kalaking halaga para sa pambayad sa utang, siguro naman kaya pa ring pondohan ang job guarantee program na panlaban sa kahirapan.
Kung kaya ng Landbank na maglaan ng P50 billion at ng Development Bank of the Philippines ng P25 billion para sa Maharlika Wealth Fund, na sa ngayon ay parang drawing pa lamang at wala pang katiyakan kung ilang trabaho ang mage-generate nito, siguro naman may natitira pang pondo para sa job guarantee program na sariling sikap ng gubyerno, hindi umaasa sa tulong ng mga dayuhang kapitalista.
Alam kong maraming mga usapin, konsepto at teorya kayong matatalakay sa inyong kongreso. Umaasa ako na ang inyong pag-aaral at talakayan ay hindi magtatapos sa pagpapa-unlad at pagpapatalas ng kaalaman at kakayahan. Anumang makabuluhang matutunan at malinang ay dapat ibahagi at gamitin sa pulitikal na pag-oorganisa at iba pang trabaho ng PM tungo sa pagkamit ng tunay na transformative social change.
Maraming nagpapahayag at nag-aalok ng pag-asa na sa kanilang liderato lamang makakamit ang inaasam na pagbabago. Huwag ninyong tanggapin o tangkilikin ang mapanlinlang o huwad na pag-asa (false hope), lalung-lalo na kapag ito ay namumutawi sa mga labi ng mga nagpapanggap na makatao at makabayan – na para bagang kaya nilang magic-in ang pagsasakatuparan ng authentic development.
Buhay ang inialay ng libu-libong magigiting at makabayang Pilipino, kasama na ang mga namuno sa sektor ng paggawa tulad nina Ka Popoy at Atty. Hermon – mga mahal kong kapatid.
Bilang mga manggagawa, kayo ay magtiwala at umasa sa inyong sariling pinagkaisang lakas bilang pangunahing pwersa ng ekonomiya at lipunan. Nasa inyong mga kamay ang tunay at pangmatagalang pagbabago.
Tuloy ang laban!