Ang pamilyang Lagman ay taos pusong nagpapasalamat sa pagpapatuloy ninyo ng mga adhikain ng aming bunsong kapatid na si Ka Popoy.
Ang aming pamilya ay naging second family lang ni Ka Popoy. Ang uring mangagawa ay ang sa kanyang pangunahing pamilya.
Naalaala ko na 22 years ago ngayong hapon na ito, ako ay tumakbo galing sa Kowloon House sa Matalino St. papunta sa Heart Center kung saan dinala si Ka Popoy matapos siya binaril dito sa UP Bahay ng Alumni.
Nakita ko kung ilang oras siya lumalaban upang mabuhay -- in the same manner that he fought tirelessly and fearlessly for workers, the poor and marginalized, so that they could have decent lives.
Madalas natin sabihin, at ito ay totoo, na ang mga pinaglaban ni Ka Popoy para sa uring manggagagwa tulad ng living wage, security of tenure, freedom to organize and engage in concerted activities are the very same causes that we are fighting for today.
Ang matinding inflation rate na 8.1% ay kinain na ang maliliit na pag taas ng minimum wage at kailangan taasan pa ito at ma assure ng government ang food security at pag unlad ng agrikultura upang bumaba ang presyo ng basic commodities.
Tapusin na ang ENDO at contractualization upang ma-garantiya ang security of tenure ng mga manggagawa.
Lumikha ang gobyerno ng non-profit Workers Bank para sa mga manggagawa upang makakuha sila ng murang credit for livelihood support, and calamity and crisis survival. Itong Workers Bank ay isa sa mga labor agenda ni Ka Popoy.
Ang Pilipinas, ayon sa World Bank, ang may pinaka masamang income distribution sa buong Asya at di lang sa buong South East Asia.
What Popoy said is a truism that during good times, capital inordinately profits, but during bad times only the workers suffer. Kapag maganda ang ekonomiya ang mga negosyante ang higit na kumikita, ngunit pag masama ang ekonomiya, ang mga manggagawa lamang ang nagdurusa.
Isigaw natin, Ka Popoy, tuloy ang laban!